(Filipino) I sent you

Gospel Reflection

Jesus journeyed to a city called Nain, and his disciples and a large crowd accompanied him. As he drew near to the gate of the city, a man who had died was being carried out, the only son of his mother, and she was a widow. A large crowd from the city was with her. When the Lord saw her, he was moved with pity for her and said to her, “Do not weep.” He stepped forward and touched the coffin; at this the bearers halted, and he said, “Young man, I tell you, arise!” The dead man sat up and began to speak, and Jesus gave him to his mother. Fear seized them all, and they glorified God, exclaiming, “A great prophet has arisen in our midst,” and “God has visited his people.” This report about him spread through the whole of Judea and in all the surrounding region.
- Luke 7:11-17


Sa ating pagbasa ngayon makikita natin kung ano ang iilang mga rekisito para sa mga namumuno sa simbahan, particular sa Obispo at sa diyakono, at kung paano na ang mga babae ay meron palang malaking gampanin sa simbahan, hindi lang taga- ng pari - tagalinis, tagalaba, tagaluto. Hindi lang sila yung mga konfradia na taga-chismis sa simbahan pagkatapos magnovena (meron din ba yan dito?). Ang mga babae ay may malaking gampanan sa simbahan. Napakaganda. Ano nangyari?

Sino ba ang tinatawag na apostoles para sa mga apostoles? Ano ba ang ibig sabihin ng apostoles? Ito ay mula sa salitang Griyego na “apostello” na ang ibig sabihin ay pagpadala, “to send forth.” Sino ba ang pinadala ni Hesus sa kanyang mga apostoles para ibigay ang mabuting balita ng kanyang muling pagkabuhay? 

Si Maria na taga-Magdala, di ba? Dahil si Maria Magdalena ay ayaw pang umalis sa puntod ni Hesus at siya ay naghahanap sa katawan ni Hesus, nagpakita si Hesus sa kanya at anong sinabi? “Babae, bakit ka umiiyak? Ano ang hinahanap mo?” Kala nya na si Hesus ay isang hardinero, at pano nya nakilala si Hesus? Tinawag nya ang pangalan ni Maria at sabi ni Maria, “Rabboni!” na ang ibig sabihin ay “guro,” at saka pinadala siya para sabihin sa mga apostoles na buhay ang ating Panginoon (John 20). 

Malaki talaga ang nagiging gampanan ng mga babae, ito kahit na sa panahon na iyon ang umiiral na pagiisip at yung tinatawag natin na patriyarkal, na ang mga babae ay pampaganda lamang at ang pwede lang mag-aral, mangaral, magtrabaho, at maging pinuno ay ang lalaki. Ang mga babae ay nasa laylayan ng lipunan. Ganyan pa ba tayo ngayon? “Babae ka lang” o “Babae ka”?

Ito din ang sitwasyon na kung saan makita natin si Hesus sa ating ebanghelyo ngayon. Nakita nya ang isang balo ng Nain na nililibing ang kanyang kaisa-isang anak na lalaki. Bakit ba na naawa si Hesus sa kanya? Bakit ba sinulat talaga ni San Lukas ang pangyayaring ito? Bakit hindi ibang namatay ang binuhay ni Hesus?

Sa panahon ni Hesus, sabi nga natin ang babae ay nasa laylayan, hindi makakatrabaho, bawal magtrabaho kaya nagdedepende sila sa lalaki sa bahay. Nung namatay ang kanyang kaisa-isang anak na lalaki para na ring namatay ang balo na babae kasi wala ng mag-aalaga sa kanya, kaya awing-awa si Hesus sa kanya, at nais ni San Lukas na Makita natin kung gaano kalapit sa puso ni Hesus ang mga tao na nasa laylayan, ang mga taong nahihirapan, ang mga taong tunay na pinagkait ng lipunan, mga taong naubosan na ng pag-asa, at si Hesus ang ating pag-asa, sa gitna ng kung anu mang pagsubok na ating pinagdaanan, dinadaanan, at dadaanan, nandyan si Hesus na ating pag-asa.

Ang Panginoon ay nagbibigay kaginhawahan sa ating pighati, siya ay umaalalay sa ating kahirapan. At hindi man natin siya makikita o direkta na maramdaman, siya ay andyan nagbibigay lakas sa atin sa panahon ng ating pangangailangan.

Dito sa selebrasyon ng banal na Eukaristiya, sa ating pagtitipon-tipon bilang isang komunidad, ang presensya ng Panginoon ay ating maramdaman sa lakas ng pagmamahalan ng mga taong nakikinabang sa kanyang katawan at dugo. Dito sa ating pagtitipon-tipon pinapaalala nya sa atin na bilang isang komunidad, tayo dapat ay makialam at makibahagi sa buhay ng bawat isa, dahil tayo ay iisa sa katawan at dugo n gating Panginoon.

May isang batang pari na nawalan ng pag-asa sa simbahan. Sabi nya, “Panginoon, bakit mo pinapahintulutan ang mga makasalanan at mga walang kwentang mga tao na maging pari at maging lider ng ating Simbahan. Tingnan mo ngayon ang gulo ng Simbahan. Mga pari na ang sarili lang ang iniisip, bili ng mga bagong gadgets, sasakyan, patayo ng magarang bahay, at walang puso sa mga naghihirap. Gahaman sa mga materyal na bagay at kung makapagsermon akala mo kung sino, e lasingero naman at mahilig sa chicks. At ginagamit ang kung anong liit ng pera ng simbahan para sa sarili. Bakit? Ayaw ko na, po, ayaw ko ng magsilbi sa simbahan kasi wala ka rin namang ginagawa para maituwid at magkaroon ng kagalingan ang sugat ng iyong Simbahan. Tama na, tama na po.”

Alam nyo kung anong sabi ng Panginoon? Sabi nya, “Kaya nga pinadala kita.”

Mga kapatid, nandito tayo sa Simbahan bilang mga buhay na patotoo ng kagandahang loob ng Diyos sa atin, buhay na patotoo ng kanyang pagmamahal sa atin, tayo ang mga imahe ng kanyang habag at awa para sa mga tao, para sa mga anak nya, para sa ating mga kapatid na nasa laylayan, mga kapatid natin na naghihirap, mga kapatid natin na nangangailangan sa presensya ng Panginoon upang sila ay bigyan ng lakas at pag-asa. Sa ngayon, paano ba ang buhay ko na naging buhay na patotoo ng pagmamahal ng Panginoon sa atin?

Pagnilayan po natin.

Comments

Popular Posts